Posts

Showing posts with the label euel Molina Aguila

Could it be about more than Earth Hour, this poem by University of the Philippines Professor Reuel Aguila?

Image
Kung magpapatay tayo ng ilaw, mas marami sana tayong matitipid na koryente. At dahil doon matutulungan natin ang Inang Kalikasan na mag hilom ng  kanyang mga sugat na dala ng pagwawaldas ng tao sa ating mga likas yaman. Pero tanong ko lang, ito ba kaya ang tunay na diwa ng tulang ito? Kumbakit Nagpipikit Ako ng mga Mata (para sa Earth Hour, 27 Marso 2010; 8:30 – 9:30 n.g., oras sa Pilipinas) Minsan, tinanong ng aking kuya, sa probins'ya, noong kami’y mga bata pa, kung bulag na ba daw s’ya; nang pinatay na ang gasera wala s’yang makita. Walang matatandang nakatugon maliban sa hanging may ibinubulong, at mga kuliglig na waring may hinihimig. Mayamaya pa’y pati mga mata’y nasanay sa dilim. Sa dilim higit na maningning ang mga bituin. Ilang dekada na iyon; at gayong pareho na kaming nagsasalamin, ano’t higit nahihirapang aninagin ang mga bituin ng mga nagdaan; nakakasilaw ang mga ilaw ng kasalukuyan; at ang liyab ng mga dagitab ay sapat nang makapambulag. ...