ANG MABABAW KONG KALIGAYAHAN REUEL MOLINA AGUILA (Batch 1970) --------------------------------------------- Ako lang ang naka-short pants nang unang linggong iyon; 1966, first year sa isang tinawag na high school na nangungupahan sa isang mahabang apartment sa gilid ng lumang Quezon City Hall, harapan ng Nepa-Q-Mart. Binata na ako, sabi ko sa aking mga magulang. At, ang binata, hindi nagso-short pants. At, nagsusuot ng brief. Binata na ako, kayat lihim kong inaahit ang itaas ng aking nguso. May bigote dapat ang binata. Pati ang patilya ko, inaahit ko. May sideburns dapat ang binata. Gupit binata ang binata. Ngunit ni balahibong pusa ay walang tumutubo sa alin mang bahagi ng aking katawan, noon. Sadyang hanggang taas lang ng tenga ang inaabot ng aking buhok. At, pilit ginagawang crew-cut ng aking ama ang aking sobrang lambot, tuwid na tuwid at pinong pinong buhok. Mabuti na lang at may Tancho Tique. Kayat pilit napatayo ang aking buhok na palagian ding kinakantsawan na land...
Posts
Showing posts with the label Reuel Aguila's Tribute to Batch'70