Posts

Showing posts with the label Reuel Aguila RMCHSAAI Distinguished Alumni Awardee 2010

Reuel Aguila - RMCHSAAI Distinguished Alumni Awardee 2010

Image
Tayong mga Karaniwan Talumpati para sa pagtanggap ng Distinguished Alumni Award 4 Disyembre 2010 ------------------------------------------------ Si Reuel Noon Magandang gabi po sa lahat ng mga naririto at sa mga kamag-aral nating wala man dito ngayon ay tiyak kong kasama din natin sa diwa. Maraming dapat pasalamatan at tiyak ko pong marami akong makakalimutan; lalo po ako, isang naging makakalimutin sa mga pangalan. Kayat ngayon pa lamang ay nagsasagawa na po ako ng isang shot-gun na pasasalamat: salamat po sa ating lahat. At gayon din po ay humihingi na ng paumanhin kung di ko man matandaan ang inyong mga pangalan. Sa lahat po ng ito, nais ko pong itangi ang pasasalamat sa RMCHS Alumni Association. Bihira ang mga alumni association na kumikilala sa mga malikhaing manunulat. Ang mga karaniwang pinaparangalan ay yong nasa mga tanggap nang propesyon tulad ng engineering, accounting, nursing, medicine, military at mga katulad. Wala pong mali sa pagkilala sa mga kinagawian na. La...