NASAAN? by: Lito Milanes Nasaan? Nasaan? Tanong ng isang kaibigan. Hinahanap ang mga kamag-aral Na naging bahagi ng buhay. Nasaan? Nasaan? Nagsundalo at nag opisyal Makatulong sa Inang-Bayan Isulong ang kapayapaan Nasaan ? Nasaan? Naging duktor, narses Kalusugan ang adhikain Maging saang panig ng daigdigan Nasaan? Nasaan? Guro at kawani ng pamahalaan Inhinyero at manunulat Pinalawak ang kaisipan Nasaan ? Nasaan? Sila ay magtitipon-tipon Sa nalalapit na panahon Upang bigyan tugon ang tanong ng kaibigan Nasaan? Nasaan?
Posts
Showing posts with the label batch'70 tribute poem by Lito Milanes