NASAAN?

by: Lito Milanes

Nasaan? Nasaan?
Tanong ng isang kaibigan.
Hinahanap ang mga kamag-aral
Na naging bahagi ng buhay.

Nasaan? Nasaan?
Nagsundalo at nag opisyal
Makatulong sa Inang-Bayan
Isulong ang kapayapaan

Nasaan ? Nasaan?
Naging duktor, narses
Kalusugan ang adhikain
Maging saang panig ng daigdigan

Nasaan? Nasaan?
Guro at kawani ng pamahalaan
Inhinyero at  manunulat
Pinalawak ang kaisipan

Nasaan ? Nasaan?
Sila ay magtitipon-tipon
Sa nalalapit na panahon
Upang bigyan tugon ang tanong ng kaibigan
Nasaan? Nasaan?

Popular posts from this blog

Reuel Aguila

Rolando Mendoza